Jason Magbanua
© 2024 Jason Magbanua

Binky & Brian

Binky & Brian

A Wedding in Shangri-la Edsa

This is not a Valentine’s Day post.

Alam n’yo, very aware ako sa market ko bilang wedding videographer.

Alam ko na marami sa mga nanonood ng video ko ay mga couples na malapit ng ikasal. Pero alam ko na malaking percentage rin sa mga viewers ko ang mga single, mga sawi, mga nasaktan na dati pero umaasa pa rin, at lalong lalo na ang mga nag-aantay.

Meet Binky.

Si Binky maganda, masayahin, succesful, at matagal nag hihintay. Sabi nya nung bata sya, gusto n’yang mag asawa ng maaga para maging nanay na maaga. Dumaan ang twenties at thirties n’ya.

Nganga.

Iba pala ang plano sa kanya.

Over the years, ok naman si Binky sa pagiging single n’ya. Enjoy nya naman ang buhay, may career s’ya, at higit sa lahat, tanggap nya. HIndi siya bitter or umaasa na magkakaroon. Pero dumating si Brian sa buhay n’ya.

Yanig.

Pwede pa pala kiligin ang isang 40 year old.
Pwede pa pala manligaw kahit hindi millenial.
Totoong may napapala pala ang mga naghihintay.

Binky married Brian last week, after a very long wait. And yes, she was the first and last girlfriend of Brian.

Ito ang kwento ni Binky at Brian. Para sa mga nag-hihintay.

Manood.
Umasa.
Magmahal.