Sabi ni Mark sa thank you speech niya sa reception pagkatapos maipalabas ang Onsite Video - “Salamat Jason! Hindi mo kami binigo”.

Ang saya!  Ang sarap ng feeling.  Nakakawala ng pagod at stress pagkatapos mag-edit.

Actually, kahit matagal-tagal na ring kaming nag o-onsite video, stressful pa rin siya kahit papaano.

Pumili sila ng kanta ni Enya para sa video.  Favorite ko si Enya, college pa lang.  Nawalan lang ako ng gana nung nagpapa-spa na ako, kasi parating yun ang tugtog - lalo na yung Orinoco Flow.

Naalala ko rin kay Enya mga retreat and recollection sa school.  Yung papaiyakin ka ng husto at pagsisisihin ka sa mga kasalanan mo.  Pagkatapos, busilak ka at umaapaw ng pagmamahal sa lahat ng tao.  Ang una mong gagawin pag-uwi, itatapon mo yung porno collection mo na nakatago sa ilalim ng kama.

Buti na lang yung Book of Days hindi ginagamit sa spa o sa retreat.  Wala akong ibang associations o baggage.  Nung inaaral ko nga, ang ganda ng bagsak, mabilis sa simula sabay bagal, sabay bilis uli. Bagay na bagay sa kasal.

Edma and Mark from Jason Magbanua on Vimeo.

(For a change, I wrote in Filipino in this entry just to remind the rest of the world that everything in here is proudly Third World Filipino!)